Top 5 Skin Care Solutions

Madami sa ating mga Pilipino ang nangangarap magkaroon ng “healthy flawless skin” lalong lalo na sa mukha. Pag makinis kasi ang kutis sa mukha, wari’y magaan at masaya tuwing gising sa umaga.  Tila baga handa tayong harapin kung ano man ang nakalaan para sa araw na iyon. Nakadadagdag din ito ng kumpiyansa sa pagharap at pakikitungo sa mga tao. Madami din ang nakakakuha ng trabahong ninanais nila dahil sa pagiging “flawless”, marahil ay dulot ng ” increased confidence at yun bang feeling na “one less item to worry about”.

The malay skin seemed to be genetically challenged as compared to the skin of other races. Madalas ay oily ito, malalaki ang pores at kadalasang prone sa pagkakaroon ng pimple, black heads at white heads. Sa Pilipinas, malagong – malago ang benta ng chemical exfoliants, mga cleansers tulad ng Eskinol at kaliwa’t-kanan ang mga establisamentong nag-oofer ng “facial”.

Salamat sa mga “advancements” ng siyensya ang pagkakaroon ng healthy flawless skin ay madali ng masolusyunan.   Usong-uso ang katagang “Salamat doktor!” para sa mga “success stories” ng mga taong noon ay namumublema sa kanilang kutis at ngayon ay “flawless” na!

Top 5 Skin Care Solutions

  • Topical facial creams, masks, cleansers, exfoliants – ito ay mga halimbawa ng mga pinapahid or ina-aplay sa mukha upang luminis at humupa ang mga pimples. Iba’t iba ang aksyon ng mga ito, merong pang-scrub, pang linis ng kutis, meron din naman merong konting gamot para sa bacteria sa pimples, o yung pampapabilis ng pagpapalit ng balat o kilala sa tawag na exfoliant. Dahil sa maliit na porsyentong “active ingredient” ang laman ng mga ito, kailangan ng tiyaga sa paggamit. Tipikal na kinakailangan maghintay ng 1-2 months upang makita ang resulta ng araw araw na paggamit at pagpapahid ng mga ito. Maganda itong “option” sa mga balat na sensitibo o nagpepeklat kung tinatanggal ang laman sa loob ng pimples. Dahan-dahang pinapagaling ng mga “topical facial solutions” na ito lalong lalo na ang active pimples. Isa sa pinaka- kilalang skin care solution brand ay ang Obagi.
  • Manwal na “facial or extraction” –  Ito ay paglilinis ng mukha na kadalasang aesthetician ang gumagawa dito sa Canada. Nililinis ang mukha sa pamamagitan ng “steaming” upang bumukas ang pores at yung pimple extractor ay nilalapit sa mukha at nilalagyan ng bahagyang pressure upang lumabas ang nakabarang “hardened sebum, pus at excess oil”. Mas mabilis ang pag-galing ng mukha kung manwal na tatangalin ang mga ito.  Kapag masyadong maliit ang pores, mas maiinam na butasin ng sterilized needle upang magkaroon ng mas malaking “opening” upang lumabas ang mga “deep seated” na bumabara sa “skin” kaysa pwersahin at dagdagan ang pressure sa pamamagitan ng pimple extractor.
  • Enzyme and Glycolic Peel – mga fruit acids ito upang matulungan magpalit ng cells ang balat. Mas “safe” at hindi masyadong malalim ang layers na tinatanggal ng mga ito kumpara sa chemical peels. Ang chemical peels ay masyadong matapang at malaki ang posibilidad na masunog at ma-damage ang balat.Napaka-epektibo sa akin ang “AHA/ glycolic peel grade 40%”. Ang AHA ay galing sa tubo, maganda ito dahil hindi lang mas mabilis ang pagpapalit ng skin cells, hinihimok din nito ang mga “lazy cells” upang maging aktibo.
  • Microdermabrasion – Mas kilala ito sa tawag na diamond peel, dahil merong micro-cystals na nagtatanggal safely ng outer layer ng skin. Maganda itong pampaliit ng pores, pang tanggal ng fine lines at para sa “sun damaged skin”. Hindi ito mainam kung madaming active pimples sa mukha.
  • Lasers therapy – Kilala sa tawag na “Silk Peel”. “Laser machine” ang gamit para sa dermal infusion. Ang laser na  ito ay hindi makikita sa mga spa or salon, kailangan ng licensed medical and nursing staff ang gagamit ng laser na ito. Mabilis ang epekto nito at walang “ down time”. Ibig sabihin, maaring umatend ng party kahit pagkatapos ng “treatment” dahil “cellular” ang epekto nito.

Skin-treatment-before-and-after

Ang iba’t –ibang nabanggit na solusyon ay serbisyong matatagpuan sa Beach Grove Laser, Skin Care Clinic. Isang Pilipinang nurse ang Director ng Clinical Applications sa Beach Grove laser. Libre ang konsultasyon. Tumawag lamang sa 604-943-9339 upang makipag-appointment.

Authors
Top
Become an exclusive Filipino Star Magazine publisher in your area! Click Here
Hello. Add your message here.