Regine Tolentino, dinadagsa ng blessings (Puwedeng bansagang JLo ng Pilipinas!)

 

 

 

 

 

PATULOY na dinadagsa ng blessings ang talented at masipag na Zumba Queen na si Ms. Regine Tolentino. Bukod sa abala as segment host ng Unang Hirit at pagpapatakbo ng kanyang Regine’s Boutique na mga sikat na artista at celebrity ang lists ng clientele, magiging super-busy ang Hot Momma na ito sa taong 2017.

Inusisa namin kung ano ang latest news kay Ms. Regine. “Katatapos lang ng US tour ng Organique Acai Berry. So we’re gonna do part-2 this April-May sa California pa rin ‘tsaka Las Vegas. Tapos, mayroon din po tayong tour for Flanax. I’m the new endorser of Flanax. We’ll do the commercial and the shoot this year.

“Tapos this year na rin yung launching ng album ko. Dance album ito, finally! Kumbaga, nagko-compose kami ngayon ng mga songs na may arranger na ako. Yes, nagsusulat ako ng mga songs. Dream come true na magkaroon ako ng album this year and concert-fashion and dance concert.

“So, very exciting itong year na ito and yon, tuloy-tuloy lang yung mga activities ko with Zumba. We have a tour all over, actually, US, Singapore, Japan, Dubai. All around Asia po for the Zumba fitness. Tuloy-tuloy lang yung pagsasayaw ko, more active lang po talaga ako sa dance fitness especially this year,” masayang saad pa ng super-seksing fitness guru.

Pahabol pa niya, “Sa 2017, more acting jobs and I have a movie later on in the year with Direk David Fabros. Indie film siya, pero it’s a very big production.”

So, sing and dance ka na sa latest album mo? “Yes, sing and dance,” aniya.

Okay lang ba kung bansagan kang JLo ng Pilipinas? “Bakit hindi? Idol ko ‘yon!” Nakatawang saad pa ni Regine.

Dagdag pa niya, “Excited ako, this year din magfo-focus ako sa fashion. If you’re not familiar, di ba sa Facebook ko yung mala-Victoria’s Secret na fashion show? Itu-tour po namin yung show na yun, fashion and dance concert. So may modelling, fashion show, tapos may sayaw.”

Ipinagmalaki rin ni Ms. Regine ang kanyang mga talented at magagandang anak. “Si Reigne nasa Ateneo na, scholar siya sa Ateneo. Si Reigen second year high school naman. Yes, sumasayaw sila, nagzu-Zumba but they’re very focused with their studies. They’re both scholar sa school, very good student, active sila roon.”

Authors
Top
Become an exclusive Filipino Star Magazine publisher in your area! Click Here
Hello. Add your message here.