Papa Jack leaves Love Radio

Sinong hindi nakakakilala kay Papa Jack, John Gemperle sa tunay na buhay?

Si Papa Jack ang isa sa mga paboritong radio disc jock ng Pilipinas. Napapakinggan ang kanyang programa sa Love Radio.

At 12 years na syang DJ dito ha? Kumbaga institusyon na sya sa radio at isa ng byword ang kanyang pangalan pagdating sa broadcast.

Si Papa Jack ay kilalang- kilala ng mga kabataan mula elementary hanggang kolehiyo at marami naman talaga syang nahahakot na mga loyal listeners dito at sa labas ng bansa.

Subalit nito lang bago mag-Pasko, unti-unti syang nagpaalam sa kanyang mga listeners sa kanyang Instagram account.

Sa kanyang posted quote na “Nothing is worthy if you aren’t happy” andaming mgafans ni Papa Jack ang nag-react na mami-miss nila ang batikang radio host. Sabi ng kanyang listener at follower na si @pinoywifee,

1 “Miss your radio station Papa Jack. Sad nman wala na kong napapakinggan na sensible sa online pag nasa work ako”

At ito ngang bagong taon, tuluyan na syang nagpaalam sa Love Radio na tila punong-puno ng hugot. Sa kanyang post sa kanyang IG account, sinabi nyang;

“Ngayong gabi, gusto kong malaman nyo na nakangiti ako kahit papano at masaya akong malaman na mahal nyo ako. Hanggang dito lang muna ang kaya kong gawin sa ngayon… darating ang isang gabi at yayakapin ko kayong muli. .”

Subalit nagpahayag naman ng pagbabalik ang DJ, kaya mukhang panandalian lang itong mamamahinga sa ere. Ang favorite hashtag nga nya ay #onceaDJalwaysaDJ.

“Sabik na ako makasama kayo. Naging buhay ko kayo sa loob ng lampas isang dekada at sa susunod na isa pang dekada… titiyakin kong gabi gabi nyo ako makakasama…

Sa ngayon, tandaan mo lang muna na hindi ko nakakalimutan na alam kong magkakaibigan tayo at aantayin nyo ako. Babalikan kita… kapit ka lang at lalambingin kitang muli kaibigan.”

Tila nagbabadya ng pagkakaroon muli ng show si Papa Jack at malay natin kung tulad ni Kris Aquino ay magsarili na rin itong webcast. Tulad din ni Mo Twister na mas sikat ang kanyang Good Times with Mo (GTWM).

“Wag ka sana makalimot na may usapan tayo. Tandaan mo na hindi ko handang isuko ang barkadahan natin tuwing gabi kaya hahanap muna ng paraan na makasama ka. Di ko ginusto na iwan ka pansamantala… kaya aasahan ko ang iyong pang unawa. Miss na kita! #lifeisajoyride”

Sa ngayon ay masaya itong tumututok sa kanyang mga negosyo sa Laguna. (vp)

Authors
Top
Become an exclusive Filipino Star Magazine publisher in your area! Click Here
Hello. Add your message here.