KathNiel nahuling sweet na sweet sa Boracay


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kilig na kilig ang mga fans ng Kathniel sa mga kumakalat na sexy photos ng couple sa kanilang recent getaway sa Boracay.

Kumalat sa social media ang mga intimate photos ng magsweetheart at maging ang mga noon at ngayon na kuha nila sa Boracay ay kanilang pinost.

Isa sa mga ito ay ang naka one-piece swimwear si Kath, ang isang litrato kung saan maghaholding hands ang dalawa na nakatingin si Kath kay DJ, at isang picture na nakapulupot ang mga braso ni DJ sa kanyang kasintahan.

Di rin maiwasang ikumpara ang beach photo ng power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa beach photo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ilan sa mga comments ng KathNiel fans ay “can’t wait for Kathryn to be Mrs. Daniel Ford Padilla”, at “ aaaaay nakakaloka ang mag-asawa” na tila ganap na ganap na sa isip ng mga fans na magkakatuluyan din ang teen couple tulad ng DongYan.

May mga nagsasabi rin na next time daw ay dapat naka-two piece na si Kath at pansin na pansin ang ‘hotness overload’ daw ng kanilang mga idolo.

Tila nagmature na din ang pares after ng kanilang Barcelona movie kung kaya’t naglalabas na rin ng skin ang teen queen. Preparasyon na ba ito para sa more mature roles para sa KathNiel?

Authors
Top
Become an exclusive Filipino Star Magazine publisher in your area! Click Here
Hello. Add your message here.