Ellen Adarna tells basher to stay away from her IG account to avoid stress

Sanay na si Ellen Adarna sa bashers.

Sa halip na patulan ang mga nakakainis na mga komento ng ilang followers niya sa social media, idinadaan na lamang niya ito sa pabirong sagot.

Katulad na lamang sa video post niya sa Instagram account noong  January 4, kung saan naka-two-piece bikini ang Langit at Lupa star.

May isang follower na nagsabing wala na raw katiting na hiya ang aktres.

Hubad daw kasi ito nang hubad sa kanyang posts at hindi raw mapagsabihan ng mga magulang.

Ayon kay @noorhakkiayob: “Ayaw na ayw ko sa babaeng ito parang wala ng hiya ni katiting sa katawan hubad dito hubad dun my god nasaan ang nanay mo at tatay mo pagsabihan ka man lng.”

Ngunit sa halip na buweltahan, ang ginawa ni Ellen ay pinalayas na lamang ito sa kanyang account, para raw hindi na ito ma-stress sa kanyang posts.

Aniya, “@noorhakkiayob eh di wag ka magtambay dito. Kalurks na stress kapa hahahaha.”

Ayaw ng patulan pang actress ang basher dahil sa mag dumarating na magagandang projects sa kanya tulad ng ng pagiging Calendar Girl ng Tanduay Rhum ngayong 2017.

Matatandaan na kamakailan ay naging kontrobersyal ang actress ng kumalat ang sweet nilang larawan ng Pambansang Heartthrob na si Presidential Son Baste Duterte. Ganun din ng mag-all out nude pose ito sa FHM Magazine sa isang beach.

– Source: PEP.ph

Authors
Top
Become an exclusive Filipino Star Magazine publisher in your area! Click Here
Hello. Add your message here.